Ang A. Bonifacio Road, partikular sa daanan papuntang Brgy. San Pablo at Bagong Bayan sa hanay ng Philippine National Railway malapit sa San Pablo stoplight, ay pansamantalang kikipot mula ika-23 ng Enero hanggang ika-8 ng Marso ng taong kasalukuyan. Ang hakbang na ito ay upang bigyang-daan ang konstruksyon ng “mainline drainage” para sa North-South Commuter Railway (Malolos-Tutuban) Project – Contract Package 02.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala at taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pag-unawa.