Road Advisory: Fausta Road temporary closure

Ang FAUSTA ROAD sa hanay ng PNR Right of Way (Daanan sa tapat ng Mitsubishi sa tabi ng Robinsons Mall Malolos patungong Brgy. Mabolo, Caniogan, at Malolos Bayan) ay PANSAMANTALANG ISASARADO sa ika-21 ng Oktubre hanggang ika-23 ng Nobyembre, taong kasalukuyan upang bigyang-daan ang KONSTRUKSYON NG MAINLINE DRAINAGE sa nasabing daanan ng North-South Commuter Railway (Malolos-Tutuban) Project.

Ang mga apektadong sasakyan at residente sa nasabing lugar ay maaaring gamitin ang ginawang diversion sa loob ng PNR Right of Way.

Maaari ding gamitin ang Paseo Del Congreso Rd. (Malolos Crossing) at iba pang malapit na mga daan bilang alternatibong ruta.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

Posted in News & Announcements, Project Status & Updates.